(File)
Sumadsad pa ang COVID-19 Reproduction number sa National Capital Region (NCR) sa 0.61 mula October 2 hanggang 8, ayon sa OCTA Research, noong Sabado, October 9.
Mas mababa ito sa naitalang 0.83 reproduction number mula naman noong September 25 hanggang October 1.
Ang 0.61 reproduction number ay itinuturing na low risk.
Ang Reproduction number ay tinukoy ng World Health Organization na antas ng bilang ng mga taong nahahawahan ng isang kumpirmadong COVID-19 patient.
Sa tweet ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, ang seven-day average ng bagong COVID-19 cases sa NCR ay 2,140 noong nakaraang linggo.
Habang 3,627 naman noong September 25 hanggang October 1.
Bumaba rin ang healthcare utilization sa 53% noong October 2 hanggang 8, mula sa 57% sa sinundang linggo. Ang nasabing mga antas ay itinuturing na low risk.
Samantala, nananatiling mataas naman ang ICU occupancy rate na nasa 71% mula October 2 hanggang 8 pero mas mababa naman ito kumpara sa 75% noong September 25 hanggang October 1.
Kaya itinuturing naman itong “high risk” pagdating sa ICU occupancy rate.
Sa pangkalahatan, sinabi ng OCTA Research na ang risk level ng NCR sa ngayon ay nasa “moderate level” na, base sa datos mula noong October 2 hanggang 8.
Matatandaang nasa “high risk level” noong September 25 hanggang October 1 ang NCR.
(Toni Tambong)
The post Reproduction number ng COVID-19 sa NCR, patuloy sa pagbaba appeared first on News Patrol.
Reproduction number ng COVID-19 sa NCR, patuloy sa pagbaba
Source: Trending Filipino News
0 Comments