(Photo: Christian Heramis)
Isang linggo bago sumapit ang Undas o Araw ng mga patay, mayroon nang bahagyang pagtaas sa presyo ng mga bulaklak para sa mga patay.
Pero, sabi ng mga nagtitinda sa Dangwa, abot kaya pa rin naman ang presyo ng mga bulaklak na kanilang ibinebenta.
Sa Bulaklakan ng Maynila (Dangwa), nasa P100-P500 ang pang center piece na nasa paso.
Ang korona style o naka-tayong style ay may presyong P1,500-P2,000 depende sa klase ng mga bulaklak na ginamit.
Sa Dangwa ay maraming klase ng bulaklak na pwedeng pagpilian, mula sa mura hanggang sa mamahaling klase ng bulaklak.
Pwede ring makabili ng naka-arranged na o pwede ring magpa-ayos kung saan makakapili ka ng mga bulaklak na gusto mong ilagay.


The post Presyo ng bulaklak sa Dangwa, bahagyang tumaas isang linggo bago ang Undas appeared first on News Patrol.
Presyo ng bulaklak sa Dangwa, bahagyang tumaas isang linggo bago ang Undas
Source: Trending Filipino News
0 Comments