SEOUL – Nagpakawala ng ballistic missile ang North Korea ngayong Martes, Oct. 19, ayon sa Joint Chiefs of Staff ng South Korea.
Isinagawa ng North Korea ang latest missile launch malapit sa Sinpo kung saan nakahimpil ang mga submarine nito.
Kasabay ito sa pagsisimula ng isang major arms fair sa Seoul kung saan tatalakayin ng mga intelligence chiefs ng U.S.A, South Korea at Japan ang hinggil sa nuclear standoff sa North Korea.
Daan-daang mga kinatawan ng iba’t ibang international company at military ang nagtitipon ngayon sa Seoul para sa opening ng nasabing arms fair, ang International Aerospace and Defence Exhibition (ADEX).
Nakatakda ring mag-launch ng South Korea ng pinakaunang space rocket nito sa Huwebes, Oct. 21.
(NP/Reuters)
The post NOKOR, nagpakawala ng missile sa pagsisimula ng arms fair sa SOKOR appeared first on News Patrol.
NOKOR, nagpakawala ng missile sa pagsisimula ng arms fair sa SOKOR
Source: Trending Filipino News
0 Comments