(Photo: Christian Heramis)
Binatikos ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang naging pahayag ni Presidentiable VP Leni Robredo.
Ayon kay Domagoso, bakit kailangang uminog ang mundo ng mamamayan sa away ng Marcos at Aquino at away ng anak ni Marcos at kasama ng ayon sa mayor ay “yellowtards”, na sinabi niya sa event ng panunumpa ng mga bagonng miyembro ng Aksyon Demokratiko, kung saan nandoon din ang isa sa kanyang mga senatoriable na si Samira Gutoc, dating Liberal Party member.
“Marcos na naman? Bakit kailangan uminog ang mundo namin ngayon sa away ng Marcos at Aquino? Sa away ng anak ni Marcos, at mga anak at kasama ng yellowtards? ay pink na pala sorry,” dagdag pa ni Domagoso.
Ang pahayag ni Domagoso ay kasunod ng sinabi ni VP Leni Robredo na kaya niya kalalabanin si Domagoso ay dahil sa “stance” o paninindigan nito sa pamilya Marcos .
Ito aniya ang nagtulak sa kanya para kalabanin si Domagoso sa May 2022 national elections para sa presidential race.
“Yan lang ba ang dahilan kung bakit siya tatakbo? Paano naman kaming mga Pilipino, wala kaming trabaho? Maraming Pilipino, nagdidildil ng asin, maraming Pilipino, hindi malaman ano ang naghihintay sa kanya sa kinabukasan,” sabi pa ni Isko.
Puna pa ni Isko sa pahayag ni Robredo, hindi dapat ito ang sukatan sa pagtakbo sa pulitika dahil maraming Pilipino ang walang makain, na walang trabaho at naghihintay ng kanya-kanyang kinabukasan.
“You cannot talk of unity , you yourself, hindi mo nga ma-unify ang sarili mo. You’re not even proud of your party. Oh my God. How can you…kung kaya mong iwanan ang mga kasama mo, paano pa kaya kaming mga 110 milyon Filipinos,” pasaring pa ni Domagoso kay VP Leni.
Pinuna rin ni Isko ang nag-trend sa social media na #WithdrawIsko na nagmula umano sa mga taga-suporta ni Robredo.
“Akala ko, pati yung pagwiwithdraw ko sa ATM, nakita nila. Karapatan ko rin naman tumakbo di ba? Akala ko ba, nagra-rally sila ng demokrasya. Bakit? Yung demokrasya ba, sila lang ang may-ari?” ayon pa sa Alkalde.
Aminado si Domagoso na nagkakausap sila ni Robredo bago pa ito magdesisyon na maghain ng kandidatura sa pagka-Pangulo, para makabuo ng alyansa na makatitibag sa sinumang susuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na national election.
Komento naman ni Bayan secretary general Renato Reyes, “It was never a fight between (two) families. It was a fight between the Filipino people and the forces of dictatorship. And it is now a fight for justice and against historical revisionism.”
Hindi rin nakaligtas sa netizens ang ginawang pambabatikos ni Isko kay VP Leni.para
Para sa ilan, hindi karapatdapat na maging Presidente si Isko.
Sabi ni Roger: “Unqualified, undeserving to be a President of the Philippines.”
“Wala ka magawa @IskoMoreno tumakbo ka ng tumakbo parang babae sa kalye putak ng putak,” yan naman ang komento ni richfill sa batikos ni Mayor Isko kay VP Leni.
Dagdag naman ni Sam Perez, walang tsansang manalo si Isko dahil nagkakalat na umano ito.
“Nagkakalat ka mayor. No chance of winning. Naging basura agad-agad. Jusmiyo.”
Komento naman ng netizen na si LI ZL, kahit ayaw daw ni Isko na maikumpara kay Duterte ay hindi ito maiiwasan dahil ang kanyang isip at gawa ay tulad na rin nang kay Duterte.
“E bakit umiinog narrative mo sa hearsay? You hate so much being tagged as Duterte Lite, but your thoughts and deeds reinforce the same impression.”
Agad namang sinang-ayunan ito ng isa pang netizen na si Maya Buena. Sabi nya, “LI ZL yes very true. Isko is the making of Duterte.”
Para naman kay Grace Dahan-Carongoy, lumilitaw na daw ang totoong kulay nito at wala na siyang pinag-iba sa kasalukuyang nakaupo.
“Such an ignorant response considering the horrors the Marcos Regime has caused the human rights victims. This just reveals his true colors. Wala din syang pinag iba sa kasalukuyang nakaupo.”
May mga netizen ding nagkomento na binababoy ngayon ni Isko ang partido ng yumaong senador Raul Roco.
Para naman kay Myrna Urbano Andrey, umaasa pa rin siya na magkakaisa ang oposisyon para labanan ang kasamaan na namamayani sa bansa.
“Please (read) between the lines..’yan ang kulang sa mga lalaki! women have better sensitivity..men are more often than not, direct to the point..women have better sense! Respect beget respect! We respect your advocacy and welcome you to this carnival but please don’t ruin fellow candidates. I am sure that aside from your vested interest you also don’t want Marcos – Duterte to remain in power. I have yet to see the opposition unite in order to win over the devil but i am hopeful that God will intervene. Don’t expect miracles pag natanggal sa limelight ang mga nakaupo because as it is pinabagsak nila ang Pilipinas.. God bless the Philippines!”
Samantala, lumabas din sa ilang mga report na si Mayor Isko umano ang “secret candidate” ng administrasyon.
Pero itinanggi naman ito ng alkalde.
“Mamaya may magti-tweet ulit n’yan. Alam mo, bawal ang drugs. If I may borrow President Duterte’s, ‘My God, I hate drugs’. Akala ko ‘yong drugs pang mahirap, pati pala ‘yong mga purist nagda-drugs,” sambit ng alkalde.
Aniya, tumakbo siya sa pagka-pangulo sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko.
Iginiit din ng alkalde na hindi niya iniendorso ang sinumang malapit na kaalyado ng administrasyon partikular si Senador Bong Go na tumatakbong Vice-president ng PDP-Laban.
Hanggang sa ngayon naman ay wala pang komento ang kampo ni VP Leni tungkol sa mga pahayag ni Mayor Isko Moreno.
(Jocelyn Domenden)
The post Mayor Isko, binatikos si VP Leni dahil sa rason ng pagkandidato; netizens bumuwelta kay Isko appeared first on News Patrol.
Mayor Isko, binatikos si VP Leni dahil sa rason ng pagkandidato; netizens bumuwelta kay Isko
Source: Trending Filipino News
0 Comments