Leni-Kiko tandem sa 2022 elections; Sen. Kiko, inaming nabigla sa pagpili sa kanya ni VP Leni

(Photo Courtesy: VP Leni Robredo FB)

Pagkatapos maghain ng kandidatura ni Vice President Leni Robredo noong Huwebes, pormal namang ipinakilala kahapon, Oct. 8, ang kanyang ka-tandem para maging Vice President, si Senador Kiko Pangilinan.

Si Pangilinan ay personal na napili ni VP Leni para maging running mate.

Ayon kay Robredo, tiwala siyang matutugunan ni Pangilinan ang mas malaking responsibilidad ng pagiging vice president.

“At wala akong duda na kayang-kaya at handang-handa na siyang tumugon sa mas malaking hamon, at sa mas malakas na tawag ng paglilingkod. Karangalan ko na ipakilala sa inyo ang magiging kasangga natin sa pagtakbo, ang ating bise presidente, walang iba kung hindi si Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan,” sabi sa anunsyo ni Robredo.

Bukod kay Pangilinan, ilan sa mga pinagpiliang posibleng running mate ni Robredo ay sina senodora Risa Hontiveros, Leila De Lima, dating senador Antonio Trillanes at human rights lawyer Chel Diokno.

Bago pa ang formal announcement ay sinamahan na ni Robredo si Pangilinan sa paghahain nito Certificate of candidacy bilang vice-president.

Ayon kay senador Pangilinan, hindi niya plinano na tumakbo sa pagka-vice president.

Katunayan ay ginugugol na niya ang kanyang oras sa paghahanda para sa reelection sa senado.

Sinabi rin ni Pangilinan, na isusulong niya ang kanyang pro-agriculture platform.

Aminado naman si Pangilinan na naging mahirap din sa kanya  ang desisyong tumakbo bilang vice president lalo pa’t makakalaban niya ang tiyuhin ng asawang si Sharon–si Senate President Tito Sotto.

Pero agad naman daw nila iong naresolba.

At pagkatapos ngang magdesisyon ni Robredo na tumakbo sa pagka-presidente ay kinausap naman niya si Pangilinan para maging ka-tandem niya.

 

The post Leni-Kiko tandem sa 2022 elections; Sen. Kiko, inaming nabigla sa pagpili sa kanya ni VP Leni appeared first on News Patrol.



Leni-Kiko tandem sa 2022 elections; Sen. Kiko, inaming nabigla sa pagpili sa kanya ni VP Leni
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments