Kontrobersyal na Japanese princess, ikinasal na sa kanyang commoner fiance

(Photo credit: POOL/Shizuo Kambayashi)

Ikinasal na si Princess Mako ng Japan sa kanyang university sweetheart at isang commoner Kei Komuro.

Ito ay kasunod ng ilang taon ding kontrobersya sa relasyon ng dalawa dahil na rin sa hindi pagiging dugong-bughaw ni Komuro.

Gayunman, nairaos din ang kanilang kasal sa isang ‘simpleng’ paraan at wala ang mga tradisyunal na seremonya na angkop sa isang prinsesa.

Si Princess Mako ang panganay na anak nina Japanese crown prince Akishino at Princess Kiko.

Sa ilalim ng imperial tradition ng Japan, hindi maaaring maluklok sa Chrysanthemum Throne ang isang babae kahit pa siya ang panganay.

At oras naman mag-asawa siya ng commoner ay tatanggalan siya ng royal status na siyang nangyari kay Princess Mako.

Ayon sa report, sina Princes Mako at asawa ay planong sa Amerika na manirahan.

(NP)

The post Kontrobersyal na Japanese princess, ikinasal na sa kanyang commoner fiance appeared first on News Patrol.



Kontrobersyal na Japanese princess, ikinasal na sa kanyang commoner fiance
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments