(File)
Hinikayat ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang mga manggagawa na isumbong ang mga employer na nagpapatupad ng iligal na polisiyang “no vaccine, no salary”.
Ipinangako naman ng kalihim ang seguridad at ang pagkubli ng kanilang pagkakakilanlan sakaling lumantad ang mga ito.
“Please come to us. If you don’t want to be identified, just tell us who these employers are and we will be willing to conduct an inspection. We assure you that we will take immediate legal action,” pangako ni Bello sa publiko sa isang virtual media briefing nitong Lunes, October 18.
Ito ay bilang tugon sa pahayag ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na imbestigahan ang ilang employer na hindi pinasasahod ang kanilang mga empleyadong hindi pa kumpleto ang bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi pa ng grupo na magbibigay sila ng mga pangalan ng mga establisimyento na nagpapatupad ng ganitong patakaran.
“We would appreciate if they could identify the names of the employers or the business for us to conduct an inspection,” sabi ni Bello.
Sakaling mapatunayan, sinigurado ni Bello na maglalabas sila ng compliance order laban sa mga employer upang bayaran nila ang sahod ng kanilang mga manggagawa dahil sa kakulangan ng legal na basehan upang ipitin ito.
“Yung hindi pag-vaccine, hindi iyan legal basis to withhold the salary of the employees, so hindi pwede ang ‘no vaccine, no pay’ policy,” paliwanag niya.
Samantala, hinikayat pa rin ni Bello na magpabakuna na ang mga empleyado dahil sa may sapat na suplay na ng COVID-19 vaccine ang bansa.
Isang paraan din ito upang maibalik ang sigla ng ekonomiya sa kabila ng pandemya.
(Toni Tambong)
The post Employers na nagpapatupad ng “no vaccine, no salary”, dapat isumbong ayon kay Sec. Bello appeared first on News Patrol.
Employers na nagpapatupad ng “no vaccine, no salary”, dapat isumbong ayon kay Sec. Bello
Source: Trending Filipino News
0 Comments