(Photo: Ang Probinsyano Partylist Rep. Alfred Delos Santos sa Conception Elementary School sa Marikina)
Apatnaraang college students sa Marikina ang nakatanggap ng limanlibong pisong educational assistance.
Isinagawa ang pamamahagi sa Conception Elementary School nitong October 13 na inorganisa ng Marikina local government, Ang Probinsyano Party List (APPL) at Department of Social Welfare & Development (DSWD).
Ang natulungan ay mga residente ng Marikina, 18 taong gulang pataas, naka-enroll sa 4-year college course at buhat sa indigent families o mga pamilyang ang buwanang kita ay sampung libong piso pababa.

(Photo: Pamamahagi ng educational cash assistance sa college students sa Marikina)
Giit ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro, malaking bagay ang cash assistance na ito sa mga college student lalo na sa gitna ng pandemiya.
“Kanina may nakausap akong isang magulang. Anak niya, nag-aaral ng nursing. Marami raw kailangang bilhin. Dahil cash assistance ang ibibigay, kaya tuwang-tuwa siya,” ayon kay Teodoro.

(Photo: APPL Rep. Alfred Delos Santos at Marikina Mayor Marcelino Teodoro)
Tinalakay rin ni Teodoro at APPL Rep. Alfred Delos Santos ang planong gawing semestral ang pamamahagi ng educational assistance sa 400 benefeciaries hanggang sa sila ay makapagtapos ng pag-aaral.
(NP)
The post Educational assistance, iginawad sa 400 college students sa Marikina appeared first on News Patrol.
Educational assistance, iginawad sa 400 college students sa Marikina
Source: Trending Filipino News
0 Comments