Dolomite beach sa Maynila, binuksan muli sa publiko

(Photo courtesy: Screengrab PTV FB)

Binuksan muli sa publiko ang Manila Bay Dolomite beach sa Roxas Blvd, ngayong Sabado, October 16. Ito ay kasabay ng pagluluwag ng COVID-19 restrictions sa Metro Manila na ibinaba sa Alert Level 3.

Dahil dito dinagsa ng mga tao ang Dolomite Beach upang masilayan ang bagong mukha ng Manila Bay.

Puspusan ang paalala ng mga otoridad sa mga bumibisita na panatilihin ang social distancing. Hindi rin pinapayagang makapasok ang walang suot na facemask.

Ang mga tauhan ng Department of Public Service ng Manila City Hall ay tuluy-tuloy ang paglilinis sa pampang ng Manila Bay upang mapanatiling malinis ang tubig.

Bukas ang Manila Bay Dolomite beach mula alas 8 ng umaga hanggang alas 11 ng umaga at muling bubuksan ng alas 3 ng hapon hanggang alas 5 ng hapon.

(Jocelyn Domenden)

 

 

 

 

 

 

 

The post Dolomite beach sa Maynila, binuksan muli sa publiko appeared first on News Patrol.



Dolomite beach sa Maynila, binuksan muli sa publiko
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments