Nananatiling nasa higit 7,000 pa rin ang kaso ng Covid-19 sa bansa ngayong araw.
Ngayong October 14, nagtala ang Department of Health ng 7,835 na bagong COVID-19 cases, ang ikalawang pinakamababang kaso simula noong July 29.
Ito ay kasunod ng anunsyo ng gobyerno na ibinababa na sa Alert level 3 status ang Metro Manila simula sa October 16 hanggang 31.
Umakyat naman sa 2,698,232 cases ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Naitala naman ngayong araw ang total active cases sa 84,850 o 3.1 percent ng kabuuang bilang ng mga kaso.
Mayroon namang 5,317 na gumaling at 154 na pumanaw.
Mayroon namang 4 na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

The post Covid-19 cases, higit 7K pa rin ngayong araw; ikalawang pinakamababang kaso mula July 29 appeared first on News Patrol.
Covid-19 cases, higit 7K pa rin ngayong araw; ikalawang pinakamababang kaso mula July 29
Source: Trending Filipino News
0 Comments