BTS inanunsyo ang online global auditions para sa aspiring male artists

(Photo: Bangtan Official)

Makinig, mga aspiring male artist na gustong sumunod sa yapak ng world superstars na BTS. May global auditions ang Big Hit Music, ang label ng pinakasikat na boyband sa mundo.

Mismong mga miyembro ng BTS na sina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V at Jungkook ang nag-anunsyo ng global auditions sa YouTube.

Ayon sa BTS, dahil online ang proseso bukas ito sa aspiring male artists sa buong mundo.

Ang 2021 Bighit Music Global Audition ay para sa male artists na 19 years old pababa, at gustong maging vocalist, rapper, dancer o music producer.

Ang auditions ay mula October 18 hanggang December 20, 2021, at ito ay sa pamamagitan ng online submission ng inyong performance.

Maaaring magtungo sa 2021 BigHit Music Global Audition para sa application.

(NP)

The post BTS inanunsyo ang online global auditions para sa aspiring male artists appeared first on News Patrol.



BTS inanunsyo ang online global auditions para sa aspiring male artists
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments