Bigtime oil price hike simula bukas, Oct. 12, ikapitong linggo nang dagdag-singil

May bigtime oil price hike na naman simula bukas, Martes, Oct 12.

Karagdagang P1.50 kada litro ang ipapataw sa presyo ng diesel, P1.30 kada litro sa gasolina at P1.45 kada litro sa kerosene.

Mamayang 12:01 ng hating gabi ay ipatutupad na ng Caltex ang dagdag-singil sa kanilang mga produktong petrolyo.

Magpapatupad naman ang mga kumpanyang PTT Philippines, Seaoil, Pilipinas Shell, PetroGazz, Unioil, Petron, at Phoenix Petroleum Philippines ay magpapatupad ng dagdag-singil  bukas ng 6:00 ng umaga.

Ang Cleanfuel ay 4:01 naman  ng hapon ipatutupad ang karagdagang singil.

Ito na ang ikapitong linggong magtataas ang mga kumpanya ng langis.

Mula Aug. 31 hanggang Oct. 12 ay aabot na ang dagdag-singil sa mga sumusunod na produktong petrolyo: diesel – P 7.15/litro; gasoline- P5.40/litro; kerosene – P6.75/litro.

 

 

The post Bigtime oil price hike simula bukas, Oct. 12, ikapitong linggo nang dagdag-singil appeared first on News Patrol.



Bigtime oil price hike simula bukas, Oct. 12, ikapitong linggo nang dagdag-singil
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments