Ayaw magpabakuna? Turukin habang natutulog, ayon kay Pangulong Duterte

May sagot si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taong ayaw magpabakuna laban sa COVID-19.

“Iyan ang problema, iyong ayaw magpabakuna. Kaya hanapin ninyo iyan sa barangay ninyo. Akyatin natin kapag tulog at turukin natin ang mga natutulog para makumpleto iyong istorya,” pahayag ng pangulo sa ipinalabas na taped address araw ng Martes, October 12.

Ayon pa sa pangulo, personal pa niya itong pangungunahan.

“Eh kung ayaw, akyatin sa bahay. Tusukin natin sa gabi. Ako ang mag-ano… I will lead the journey,” dagdag pa ng pangulo.

Ito ay sa gitna ng ulat ni Secretary Vince Dizon, deputy chief implementer ng National Task Force Against COVID-19, na mayroon pa ring bilang ng populasyon na ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 lalo na sa malalayong lugar.

Ilan sa mga naging kontrobersyal na pahayag ng pangulo tungkol sa vaccination ay nitong Hulyo. Sinabi ng pangulo noon na huwag payagan ng mga pulis at barangay officials na lumabas ng bahay ang mga ayaw magpabakuna.

Wala pang reaksyon ang ibang ahensya ng gobyerno kaugnay sa bagong pahayag ng pangulo.

(NP)

The post Ayaw magpabakuna? Turukin habang natutulog, ayon kay Pangulong Duterte appeared first on News Patrol.



Ayaw magpabakuna? Turukin habang natutulog, ayon kay Pangulong Duterte
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments